-- Advertisements --

Pinaghahandaan na ng Deparmtent of Transportation (DOTr) ang maaring matinding trapiko na mararanasan kapag sinimulan na ang pagsasaayos sa bahagi ng EDSA.

Sinabi Transportation Secretary Vince Dizon, na asahan ang matinding kalbaryo ng mga motorista dahil sa matinding trapiko.

Dagdag pa nito ay kailangan ng mahabang pasensiya dahil kapag tuluyang naayos na ang nasabing daan ay tiyak na malaking ginhawa naman ang dulot nito.

Sa ngayon aniya ay binabalangkas nila ang mga traffic plan kung saan nakipagpulong na rin ito sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at sa Department of Public Works and Highways (DPWH).