-- Advertisements --
Binibilisan na ngayon ng Department of Transportation (DOTr) privatization ng Metro Rail Transit -3 at EDSA Busway.
Sinabi ni Transportation Secretaray Vince Dizon, na mahalaga ang nasabing privatization dahil sa nais ng pangulo na maging maganda ang daloy ng transportasyon sa bansa.
Inihalimbawa nito ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na hinahawakan na ngayon ng isang private company.
Pagtitiyak naman nito na kahit maraming privatization na magaganap ay magiging prioridad pa rin nila ang kapakanan ng mga pasahero.