-- Advertisements --

Plano ng Department of Transportation (DOTr) na bigyan ng incentives ang mga may-ari ng mga barko.

Layon nito ay para sila makapag-invest ng mga bagong barko at ma-upgrade ang mga kasalukuyang pasahero at cargo vessels na nag-ooperate sa bansa.

Ayon kay Transportaion Secretary Jaime Bautista, na kanilang pinag-aaralang mabuti ang nasabing usapin.

Giit nito na nais talaga ng gobyerno na magkaroon ng makabago at mapalitan na ang mga lumang pampasaherong barko sa bansa.