-- Advertisements --

Plano ngayon ng Department of Transportation (DOTr) na tanggalin na ang kontrata sa gumagawa ng United Grand Central Station sa North Edsa sa Quezon City.

Ang nasabing istasyon ay magkokonekta sa Light Rail Transit -1 , Metro Rail Transit -3 at Metro Rail Transit -7 na natapos na sana noon pang 2021.

Matapos na personal na bisitahin ni Transportation Secretary Vince Dizon ang lugar ay nakita nitong nasayang ang proyekto dahil ito ay matagal ng nakatengga.

Sa ngayon ay pinag-aaralan ang termination ng nasabing kontrata ng proyekto.

Dahil umano sa COVID-19 pandemic ay natigil ang nasabing proyekto.

Kung itutuloy naman ang trabaho sa nasabing terminal ay matatapos ito ng hanggang 2028.