Wala pa ring patid ang Department of Transportation – Special Action Intelligence Committee for Transportation sa kanilang mga ginagawang paghahanda ngayong nalalapit na ang paggunita ng Holy Week 2024.
Katuwang nito ang Department of Information and Communications Technology – Cybercrime Investigation and Coordination Center (DICT-CICC) maging ang Scam Watch Pilipinas upang masiguro na magiging maayos ang paggunita ng semana santa.
Dahil dito ay pormal nang inilunsad ng Department of Transportation – Special Action Intelligence Committee for Transportation ang“Online Bantay Lakbay 2024”.
Sa ilalim nito ay magtatag naman ang Hotline 1326 na may mandatong tumugon sa pangangailangan ng mga pasahero at commuter kontra sa anumang uri ng online scam.
Kabila na rito ang mga sumusunod;
1. Pekeng accommodation
2. Pekeng Wifi
3. Mga too-good-to-be-true na deal
4. “Free” vacation trap
5. Pekeng travel agents
6. Overpriced tours
7. Charity cons
8. Pekeng pera
9. Hidden CCTVs
10. Mga kolorum na sasakyan
11. Pagbebenta ng nawawalang luggage sa FB
12. Pekeng SIMs
13. Fixer, at
14. Umano’y mga murang airline ticket sa social media
Sinabi naman ng Special Action Intelligence Committee for Transportation ng DOTr na magbibigay ito ng safe at komportableng biyahe sa mga pasahero ngayong Holy Week.
Tinutukan rin ng ahensya ang operasyon ng EDSA Busway maging ang mga terminal ng bus.
Bukod dito ay kanila ring hahabulin ang mga colorum na sasakyan at hihigpitan ang pagpapatupad ng batas trapiko sa National Capital Region at mga katabing lugar nito.