-- Advertisements --

Pinuri ni Department of Transportation Secretary Jaime Bautista ang Philippine Coast Guard sa serbisyo nito para matiyak ang kaligtasan sa karagatan sa bansa.

Sa isinagawang Town Hall Meeting sa Davao City para sa Maritime sector, pinuri ng kalihim ang pagbabantay ng mga ito sa West Philippine Sea katulong ang Task Force for the West Philippine Sea.

Ito ay dahil patuloy pa rin ang pagpapatrolya ng PCG sa Ayungin Shoal, Bajo de Masinloc at Kalayaan Group of Islands sa kabila ng mga banta.

Kabilang rin sa kinilala ng kalihim ay ang mga pagsisikap ng PCG para gampanan ang Marine Safety and Security, Law Enforcement, Search and Rescue, at Maritime Environment Protection.