-- Advertisements --

Ikinagalit ni Transportation Secretary Vince Dizon ang nangyaring power interruption sa tatlong terminals ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong araw ng Linggo.

Sinabi ng opisyal na ang pangyayari ay hindi katanggap -tanggap dahil dapat ay otomatikong naka-switch agad ang nasabing mga emergency generators.

Inatasan na rin nito ang ilang mga tauhan niya para pagsabihan ang NAIA Infra Corp. (NNIC) at itama ang nasabing problema.

Magugunitang nitong araw ng Linggo ay nagkaroon ng kawalan ng suplay ng kuryente sa Terminal 1 mula 7:40 hanggang 7:45 ng umaga; habang sa Terminal 2 ay mula 7:25 am hanggang 7:48 am at ang Terminal 3 ay mula alas-8 ng umaga hanggang 8:01 ng umaga.