-- Advertisements --
Pinag-susumite ni Transportation Secretary Vince Dizon ang lahat ng kasalukuyang Undersecretaries, Assistant Secretaries at Directors na magsumite ng courtesy resignation.
Ito ang lamang ng kaniyang memorandum para umano libre itong makagawa ng mandatong iniatang sa kaniya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Base sa ilang impormasyon na kumalat na maaring italaga ni Dizon ang ilang opisyal sa panunungkulan noon ni dating Department of Transportation (DOTr) chief Arthur Tugade.
Magugunitang noong Enero ay nagbitiw sa kaniyang puwesto si Undersecretary for Rails Jeremy Regino kung saan naging officer-in-charge si Usec for Planning TJ Batan.