Pinapamadali na ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon ang pagtapos ng mga transportation projects ng kanilang pamunuan para sa mas maginahwang paggbiyahe ng mga komyuters sa Metro Manila.
Kanina ay nagsagawa ng inspeksyon ang kalihim sa site ng kasalukuyang underconstruction na North South Commuter Railway Extension Project (NSCR), nagikot si Dizon at tiniyak na nagagawa at nasa maayos na sitwasyon ang konstruksyon ng naturang railway system.
Binigyang diin ng Transportation Secretary na nai niya nang mapabilis pa ang konstruksyon ng mg naturang proyekto para sa mas mabilis at komportableng biyahe ng mga komyuters mula sa Metro Manila hanggang Bulacan.
Kapag natapos kasi ang proyekto, inaasahan na magiging 30 minuto na lamang ang magiging biyahe simula Metro Manila hanggang Malolos sa Bulacan.
Samantala, kabilang naman sa mga istasyon ng tren na ito ang iba pang naturang bayan sa Bulacan gaya ng Marilao, Meycauayan, Bocaue, Balagtas, at Guiguinto habang inaasahan naman na magppatuloy ang linya ng railway system na ito hanggang sa Clark, Pampanga.