GENERAL SANTOS CITY – Naging matagumpay ang ginawang inagurasyon ng “newly rehabilitated” GenSan International Airport.
Naging pangunahing bisita sina Transportation Secretary Arthur Tugade kasama si Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Director General Jim Sydiongco at marami pang iba.
Sa kanyang naging mensahe, sinabi ni Sec. Tugade na masaya siya nang makita ang bagong paliparan ng GenSan na mas pinalaki at pinaganda pa.
Dahil dito, hindi lamang dumoble ang mga na-accomodate na mga pasahero kundi magkakaroon din ito ng komportableng biyahe.
Nabatid na mas pinalaki ang Passenger Terminal Building na maaaring maka-accommodate ng hindi bababa sa 2 million mga pasahero kada taon.
Samantala, ibinida naman ng kalihim na ang rehabilitasyon sa GenSan Airport patunay na patuloy pa rin ang mga proyekto ng Duterte administration sa kabila ng pandemya.
Dagdag pa nito, malaki ang maitutulong sa ekonomiya ng bansa ng naturang proyekto.
Sa pahayag ni Sec. Tugade na matagal ng napabayaan ang Mindanao sa lumipas na maraming taon ngunit hindi ito mangyayari sa administrasyon ngayon kayat pinondohan ito ng pamahalaan ng mahigit P900 million.