-- Advertisements --
Kasunod ng kakulangan sa drivers license card na pinoproblema ng Land Transportation Office ngayon, sinabi ni DOTr Secretary Jaime Bautista na dapat ay inagahan ng LTO ang procurement nito.
Agosto pa lamang raw noong nakaraang taon ay na asikaso na ang procurement nang hindi na sana umabot sa kakulangan ng supply.
Ngayon ay kinikwestyon ng DOTr ang LTO sa rason kung bakit hindi agad ito nakapag-procure ng materyales nito.
Kaugnay nito, ayon sa DOTr gumagawa na ngayon ng paraan upang mapabilis ito ngunit ang nakatakdang procurement raw ay sa Mayo 24 pa.
Samantala, nakarating na sa Pangulo ang problemang ito ng LTO at DOTr kaya naman nagpalala si Pangulong Bong Bong Marcos Jr. na agad itong resolbahin ng mga ahensyang sangkot dito.