Sinuspinde ng Department of Transportation (DOTr) ang kabuuang bilang na 671 na public ulitility drivers matapos ang mga naging violations nito sa naging obserbasyon ng Holy Week noong nakaraang linggo.
Sa isang pulong balitaan ay kinumpirma mismo ni DOTr Sec. Vince Dizon na sinuspinde na nila ang mga naturang drivers dahil ilan sa mga ito ay nagpositibo sa mga drug test indikasyon na gumagamit ang mga ito ng bawal na gamot habang ang ilan naman sa mga nasuspinde ay mga sangkot sa mga inisdente ng reckless driving.
Aniya, hindi ito papayagan ng kanilang tanggapan at titiyaking mabibigyan ng sapat na edukasyon at kaalaman ang mga drivers sa tamang road safety procedures.
Kabilang rin sa mga nasuspinde ay ang bus driver sa La Union na walang habas na nagmamaneho ng bus habang may mga sakay pa itong mga pasahero.
Maliban dito ay permanently revoked na ang mismong lisensya ng driver dahil batay sa imbestigasyon ay hindi lamang ito ang unang beses na ginawa niya ang ganitong klase ng pagmamaneho.
Samantala, lahat naman ng suspindidong drivers ay sasailalim sa 90 days na suspension at hindi muna pinapayagang makabiyahe.