-- Advertisements --
DOTr BAUTISTA

Binigyang diin ni Transportation Secretary Jaime Bautista na suportado ng kanilang ahensya ang pagkakaroon ng disensyo na may integration ng ecotourism sa mga transport infrastructures.

Layunin umano nito na maging environment-friendly ang mga imprastraktura ng ahensya.

Ito umano ay makatutulong na sa turismo, mapapangalangaan pa ang kalikasan.

Ipinakita ni Bautista ang ilang mga big-ticket infrastructure at transport initiatives sa kalsada, paliparan, mga ports at maging sa railway sectors.

Panawagan niya naman na suportahan ng mga pasahero itong big-ticket infrastructure sa transportasyon lalo na sa pagsulong ng integration ng environment-friendly infrastructure.

Hinihikayat naman ni Bautista ang pakikiisa ng mga transport stakeholders sa kolaborasyon ng gobyerno at pribadong sektor upang maisakatuparan itong abot-kayang biyahe ng publiko.