-- Advertisements --
Nagpahayag ng suporta si Transport Secretary Jaime Bautista ang locally-made na modern jeepneys na nag-o-operate na ngayon sa Metro Manila.
Ayon kay Bautista, ang naturang mga jeep ay ang mga gumagamit ng Euro 4 engine.
Ilan daw sa mga ito ay ginagamit ng mga hotel para sa mga turista.
Ang pagsuporta ng gobyerno sa locally made modern jeep ay para ma-promote ang modernization works ng mga local manufacturers.
Magiging daan daw ito para sa mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.
Kung maalala, naglunsad ang ilang public utility vehicle (PUV) jeepney operators ng isang linggong tigil pasada bilang protesta sa jeepney modernization program.