-- Advertisements --

Target ng Department of Transportation (DOTr) na isagawa sa buwan ng Disyembre ang ground breaking ng Taguig City Integrated Terminal Exchange (TCITX).

Sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na ang nasabing proyekto ay nai-award na noon pang nakaraang administrasyon.

Ang nasabing TCITX ay magkakaroon ng centralized ticketing area at passenger concourse.

Mayroon din itong daanan ng mga pasahero patungo sa Philippine National Railway FTI station at ang planong Metro Manila subway system.

Kahalintulad ng Paranaque Integrated Terminal Exchange o PITX ay isang malaking kaginhawaan ito sa mga pasahero.