Tiniyak ng Department of Transportation ang kahandaan ng ahensya sa darating na Undas sa bisperas ngayong buwan.
Ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista, naka monitor ang kanilang ahensya at iba pang attached agencies para sa preparasyon ng pagdami ng mga pasaherong dadagsa sa airports, seaports, at bus terminals.
Ang mga nabanggit na ahensya na katuwang ng DOTr ay ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), Philippine Ports Authority (PPA), Manila International Airport Authority (MIAA), Cebu International Airport, at Philippine Coast Guard.
Ani pa ni Bautista, patuloy nilang ipapatupad ang ‘Oplan Biyaheng Ayos’ para sa lahat ng mananakay.
Una nang inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang pag-granted ng mga permits sa 1,200 na pang publikong mga sasakyan kagaya ng bus, jeep at iba pang public utility vehicles.