Siniguro ng pamunuan ng Department of Transportation na kanilang reremedyuhan ang kakulangan sa alokasyon ng budget para sa susunod na taon.
Ito ay upang hindi maapektuhan ang mga proyektong nakalatag na maitayo sa naturang panahon.
Batay sa datos ng ahensya, aabot sa ₱20-billion ang kakapusan sa inaprubahang budget ng ahensya para sa 2025 na mas kaunti sa kanilang isinumiteng proposal.
Ayon kay DOTr Undersecretary Timothy John Batan, magkakaroon ito ng tiyak na epekto sa development ng kanilang mga nakalatag na proyekto.
Ginawa ng opisyal ang pahayag sa ginanap na Build Better More Infra Forum ng Presidential Communications Office.
Sa ngayon at plano ng ahensya na i tapped ang mga unprogrammed appropriation sa budget ng DOTr.
Aabot rin aniya sa 80% ng proyekto ng DOTr sa ilalim ng Build, Better, More program ay may asistensya ng ibang bansa.