-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Transportation na gagawan nila ng paraan na hindi maapektuhan ang kanilang mga proyekto dahil sa kakapusan sa budget allocation nila sa susunod na taon.

Ayon kay Transportation Undersecretay Timothy John Batan, kulang ang naaprubahang budget nila na 20-billion pesos para sa 2025.

Posible ring maapektuhan aniya ang lahat ng kanilang proyekto at programa pero tiniyak naman ng opisyal na reremedyuhan nila ito.

Ilan sa mga hakbang ng ahensya ay ang pag-tap umano sa unprogrammed appropriation sa budget.

Kasabay nito, tuloy pa rin ang 69 na infra-projects sa Aviation, Maritime, Railway, at Road transportation sector sa ilalim ng administrasyon ni PBBM.