Tiniyak ng Department of Transportation o DOTr ang seguridad at maayos na serbisyo ng sektor ng transportasyon sa mga pasahero ngayong kapaskuhan.
Nakapaloob dito ang deklarasyon ng hightened alert para sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero na uuwi sa lalawigan.
Ayon kay Timothy John Batan Undersecretary ng DOTR, layon nilang mabigyan ng mabilis, komportable at ligtas na paglalakbay ang mga mag uuwian sa mga probinsya at mga taga-probinsya na luluwas naman ng Metro Manila.
Tiniyak din nila na bukas ang lahat ng linya ng komunikasyon ng ahensya at lalagyan ng sapat na tauhan ang mga booths, counters at pasilidad upang maiwasan ang mahahabang pila sa mga terminal.
Maliban dito, magkakaroon rin aniya ng updates ang kanilang websites at social media accounts.
Inaasahan nila na dadagsa ang mga motorista ngayong December 16 ng kasalukuyang taon.
Samantala, sa pangunahing terminal dito sa Metro Manila, tiniyak ParaƱaque Integrated Terminal Exchange o P I T X sa publiko na paiigtiingin nito ang seguridad sa mga terminal upang maging ligtas ang mga pasahero.
Handa naman ang nasabing terminal sa volume ng pasahero at patuloy na nakabantay pa rin ang ahensya ng pamahalaan.