-- Advertisements --

Tiniyak ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista “on track at on time” ang implementasyon ng mga flagship program ng gobyerno na layong palakasin ang transportation sector ng bansa.

Aminado rin si Bautista na may mga kinakaharap silang mga isyu at problema gayunpaman kanila itong tinutugunan gaya ng isyu sa “right-of-way” o (ROW).

Sinabi ng kalihim na inatasan na sila ni Pang. Ferdinand Marcos na makipag ugnayan sa ibat ibang ahensiya ng gobyerno partikular na tinukoy ni Bautista ang Administrative Order No. 19 na inilabas ng Pangulo nuong nakaraang taon.

Naniniwala din si Bautista na hindi sila kasama sa masasaklawan ng nalalapit na election ban ngayong malapit ng magsimula ang campaign period para midterm election sa May 12,2025.

Sinabi ni Bautista na karamihan ng mga proyekto ng Department of Transportation ay long-term na pawang naumpisahan na.

Itutuloy lang aniya nila ito sa gitna Ng pag- asang Hindi maaapektuhan ang alinman sa kanilang nasimulan ng mga proyekto sa DOTr.

Ayon kay Bautista sa 186 flagship projects, 69 dito ay infrastructure flagship projects na nasa ilalim ng Department of Transportation.