-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nanindigan ang Department of Transportation (DOTr) sa pag-abot sa target completion date ng Bicol International Aiport sa Daraga, Albay ngayong taon.

Muling nagsagawa ng scheduled inspection si Transportation Secretary Arthur Tugade kasama ang ilan pang opisyal upang tingnan ang itinakbo ng pantrabaho simula nang ipag-utos ang 24/7 construction works.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Tugade, kaisa siya sa mga nagnanais na matapos na ang proyekto habang wala ring nakitang dahilan sa pagpapalit ng itinakdang pagtatapos nito.

Inaasahang Hunyo o Hulyo ngayong taon, makukumpleto na ang landside facilities at passenger terminal building habang sa Disyembre naman ay operational na ito.

Hamon pa ni Tugade na sa Hulyo 30, babalik siya ng Bicol at la-landing sa BIA, tapos man o hindi ang konstruksyon upang mas ma-pressure aniya ang contractors na tapusin na ang trabaho.

Sa ngayon, nasa 82.22% na umano ang overall progress rate ng BIA matapos ang 13 taon na delay.