Hindi nagpatinag sa anumang distractions ang Double Gold Medalist ng Pilipinas na si Carlos Yulo, bago ang kaniyang mga laban.
Katunayan, naging buhos ang kaniyang atensyon sa ensayo at paghahanda ng mga kailangang gawin.
Sa panayam ni Samahang Weightlifting ng Pilipinas President Monico Puentevella, ibinahagi ni Yulo na hindi muna niya iniisip ang mga prebilehiyo kundi tumutok lamang siya sa bawat laban.
Inamin naman nito na pagkatapos ng Paris Olympics ay susunod naman niyang paghahandaan ang 2028 Olympics.
Inaasahan kasi itong magaganap sa Los Angeles, California, USA.
Sa tanong naman kung anong lugar ang balak niyang unang puntahan kapag nakabalik na sa Pilipinas, ibinahagi nitong magtutungo siya sa National Shrine of Saint Padre Pio, Santo Tomas, Batangas.
Doon daw kasi siya madalas magdasal noon, bago pa man ang Olympics.
Para naman sa gymnastics journey ng kaniyang kapatid na si Karl Eldrew Yulo, naniniwala umano siyang malayo pa ang mararating nito.
Kaya hiling niya sa publiko, suportahan din sana ang kaniyang kapatid sa pagsabak nito sa larangan na kaniyang sinasalihan.