DAVAO CITY – Nakaranas ng matinding pagbaha ang mga kalsada sa lungsod partikular na sa downtown area matapos ang pagbuhos ng malakas ng ulan kagabi at maraming residente rin ang apektado dahil sa pagtaas ng tubig lalo na ang mga naninirahan sa tabi ng Talomo river.
Ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) maraming mga residente ang nagsilikas dahil pinasok na ng lampas tuhod na tubig baha ang kanilang mga bahay.
Ilan sa mga residente ang nagreklamo dahil hindi umano nabigyan ng aksiyon ang kanilang panawagan na solusyonan ang problema ng kanilang drainage system na dahilan ng pagtaas ng tubig lalo na kung bubuhos ang malakas na ulan.
Maraming mga motorista rin ang stranded at may ilang mga sasakyanan ang tumurik sa kalsada dahil taas ng tubig.