-- Advertisements --
image 360

Tiniyak ng Department of Public Works and Highways(DPWH) at embahada ng Japan na nakabase dito sa Pilipinas ang pagtutulungan upang mapagbuti ang kalagayan ng mga kalsada sa buong bansa na nasa mga kabundukan.

Ito ay matapos ang ilang serye ng pagpupulong sa pagitan ng DPWH, Japan International Cooperation Agency (JICA), at ang Japanese Embassy na sumentro sa Road Disaster Prevention and Other Countermeasures on Mountainous Road.

Ayon kay DPWH Senior Undersecretary at JICA-Technical Cooperation Project (TCP) Chairman Emil K. Sadain, maraming mga kalsada sa ibat ibang bahagi ng bansa ang hindi nagagamit kada taon, dahil sa mga malalaking kalamidad, katulad ng mga bagyo at pagguho ng lupa.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng DPWH at JICA, umaasa ang opisyal na matutugunan ang taunang problema sa mga mabubundok na rehiyon.

Sa magiging kooperasyon ng dalawa, inaasahang magagamit ang mga inputs ng Japan Expert Team sa pag-aayos at paggawa ng mga karagdagan pang kalsada at iba pang istraktura sa mga public highways na dumadaan sa mga mabubundok na bahagi ng bansa.

Kabilang sa mga pilot area dito ay CAR, Region 7, at Region 11, kung saan mayroon nang inisyal na nasimulang mga proyekto.