-- Advertisements --

Mayroong isang buwan ng ibinigay ang Malacanang sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para makumpleto ang imbestigasyon sa gumuhong tulay sa Cabagan-Sta. Maria sa lalawigan ng Isabela.

Sinabi ni Palace press officer Claire Castro, na isang premature muna ang panawagang patawan ng suspensyon ang mga DPWH officials dahil sa patuloy ang imbestigasyon.

Dadag pa nito na nangako si DPWH Secretary Manuel Bonoan sa kanila na matatapos ang imbestigasyon ng hanggang Abriil 25.

Una ng nagsagawa ng imbestigasyon ang Senate blue ribbon committee ukol sa nasabing usapin.

Inirekomenda sa nasabing pagdinig ni Senator Alan Peter Cayetano na masuspendi si Bonoan dahil sa pangyayari.

Magugunitang bumagsak ang bahagi ng tulay noong Pebrero 27 matapos na dumaan ang truck na may kargang mga bato.

Nitong Enero lamang ng pormal ng buksan sa publiko ang tulay na nagkakahalaga ng mahigit P1.2-B.