-- Advertisements --

Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sanhi ng sunog sa compound ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Quezon City.

Naganap ang sunod pasado alas 10 kagabi at ito ay tuluyang naapula pagkatapos ng dalawang oras.

Umabot pa sa ikalawang alarma ang sunog na tuluyang nakontrol pasado alas 12: 13 ng umaga ng Huwebes.

Ayon kay Fire Officer 1 Ray Anthony Turallo, nasa anim na pamilya ang nawalan ng tirahan sa pagsiklab ng sunog sa DPWH compound sa Brgy. Pinyahan, QC.

Sa ngayon ay patuloy ang masusing imbestigasyon ng BFP sa nasabing insidente.