Cotabato City- Ihahain na ni Maguindanao 1st District with Cotabato City Congresswoman Bai Sittie Shahara Dimple Mastura ang isang panukala na nagpapatakda sa Department of Public Works and Highways na magkaroon na ng permanenteng District Engineering Office sa lalawigan ng Maguindanao.
Ito ay alinsunod na din sa tagubilin at gustong gawin ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na magkaroon ng permanenteng DPWH DEO sa nasabing probinsiya para hindi na magtagal ang anumang problema o concerns na may kinalaman sa pampublikong pagawain at mga imprastraktrura sa lalawigan.
Napatunayan na ang pangangailangan nito sa naging pananalasa ng Bagyong Paeng na nagdulot ng katakot takot na pinsala sa mga imprastaktura at mga propriedad ng pamahalaan sa lalawigan.
Anya, sabi ni Mastura sa panayam ng Star FM Cotabato, ito ay pauna nang sinangayunan ni Senate President Migz Zubiri sa pagpunta nito kahapon upang mamahagi ng ayuda sa lalawigan. Sa pamamagitan nito, wala nang magiging balakid ang magiging panukala na magkaroon na ng distinct at permanent District Engineering Office ng DPWH sa nasabing lalawigan.