KALIBO, Aklan – Doble-kayod ngayon ang Department of Public Works and Highways (DPWH) upang matapos na sa lalong madaling panahon ang Phase 2 ng kanilang improvement at rehabilitation sa main road ng isla ng Boracay.
Ito ay kinabibilangan ng pagpapalawak ng kalsada, paglagay ng sidewalk at drainage system.
Ayon kay DPWH-Aklan Planning and Design Section chief, Engr. Fritz Ruiz na ang 4.1-kilometer Phase 1 rehabilitation mula sa Cagban port Manoc-Manoc papunta sa Elizalde property ay patapos na habang ang 1.9-kilometer Phase II Section 3 ay 8 percent nang kumpleto.
Sa kasalukuyan aniya ay tinututukan ng mga contractors ang paghuhukay at paglibing ng mga tubo para sa Phase II ng bagong drainage system.
Target ng DPWH na matapos ang Phase II ng road rehabilitation sa katapusan ng 2019 kahit ang timetable ng ahensiya ay sa Hunyo 2020.