Ipinagmamalaki ng Department of Public Works and Highway (DPWH) ang kanilang mga naging accomplishments sa taong 2021.
Partikular ang pagkumpleto sa mga nakalinyang mga infrastructure projects sa kabila ng hamon ng pandemya.
Ayon kay DPWH Secretary Roger Mercado, ginawa nila ang lahat para maisakatuparan ang mga priority infrastructure projects ng pamahalaan.
Ibinida rin ni Mercardo na nasa 1.6 million Filipinos ang nabigyan ng trabaho ng DPWH para sa Fiscal Year 2021.
Sinabi ni kalihim na hindi naging hadlang ang pandemya para makamit ng ahensiya ang kanilang misyon na bigyan ng quality infrastructure ang sambayang Filipino.
Simula nuong January hanggang December 2021, ang DPWH ay naka kumpleto ng construction, rehabilitation, at improvement ng nasa 4,097 kilometers of roads; 510 bridges; at 1,593 flood control structures.
Pinangunahan din ng DPWH ang completion ng 4,244 classrooms at 82 school workshop buildings, at ibang pang mga school facilities.
Nasa 108 evacuation centers naman ang nakumpleto ng ahensiya sa ibat ibang parte ng bansa.
Sa pagtatapos ng December 2021, ang DPWH ay nakapag construct ng 736 quarantine facilities na may 28,195 beds, 29 modular hospitals with 595 beds at 55 off-site dormitories para sa health workers na may 1,444 beds.
Siniguro ng ahensiya na ngayong 2022 ay lalo pa nilang pagsikapan na kumpletuhin ang mga nakalinyang mga infrastructure projects maging sa pagtugon sa ibat ibang sakuna.