-- Advertisements --
Iimbestigahan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nangyaring paglubog ng isang truck sa kanto ng Roxas Boulevard at Remedios St.
Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, na may mga tao na silang nagtungo sa lugar para tignan at maimbestigahan ang nasabing pangyayari.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng ahensya na ang double-barrel box culvert sa kahabaan ng Remedios St. ay ginawa noong 1970.
Magugunitang bigla na lamang lumubog ang truck na puno ng buhangin mula sa Pampanga para sana sa Manila Bay Rehabiltation project.