Inilahad ng Department of Public Works and Highways na ang mga basura ang isa sa pinakamalaking problemang kinahaharap at nagiging sanhi ng malalang pagbaha sa bansa.
Ito ang ipinunto ni OIC Project, Unified Project Management Office-Bridge Management Cluster Director Engr. Rodrigo Delos Reyes sa isinagawang pagpupulong ng ahensya patungkol sa mga key road at flood control infrastructure concerns ngayong ika-28 ng mayo ng taong kasalukuyan.
Ayon kay Delos Reyes, mayroon nang 71 pumping stations sa Metro Manila at 30 rito ay malalaki na ngunit igiinit din ng ahensya na na importante pa rin daw ang gampanin at partisipasyon ng mamamayang pilipino upang maiwasan ang mga pagbaha.
Ito ay sa kadahilanang magiging functional ang nasabing mga pumping station kung mababa lamang ang tubig at mababawasan ang pagdami ng basura sa mga tubig baha.
Kung kaya’t nanawagan ang DPWH at ang mga kawani nito na ang bawat isa sa atin ay tumulong na at i-manage nang maayos ang mga basura upang hindi na ito magsanhi ng pagbaha at pinsala sa bansa.