-- Advertisements --
DPWH SEC MARK VILLAR
DPWH SEC MARK VILLAR/ FB PHOTO

KALIBO, Aklan – Malaki umano ang posibilidad na matuloy ang pagpapatayo ng tulay sa isla ng Boracay.

Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Mark Villar na patapos na ang kanilang ginagawang evaluation sa panukala ng isang malaking kompaniya na balak na magpatayo ng tulay na magdudugtong sa Boracay at Caticlan sa Malay, Aklan na nagkakahalaga ng P5.5-billion.

Ang tulay na may habang 1.2 kilometer ay magsisilbing all-weather access para sa mga sasakyan at mga taong pumapasok at lumalabas sa pamosong tourist destination.

Sa kasalukuyan, tanging ang mga motorbanca ang ginagamit na transportasyon sa pagpasok sa isla.