-- Advertisements --
Isinisi ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang kakulangan ng pondo o budget para sa national road kay hindi sila regular na nagsasagawa ng regular na pagsasaayos ng mga kalsada.
Sinabi ni DPWH Secretary Manuel Bonoan, na sa P14-bilyon na proposed budget nila sa road maintenance ay P1.86-B lamang ang naaprubahan ng Department of Budget and Management.
Paliwanag pa ng kalihim na kahit wala pang potholes ang isang kalsada ay mararapat na sumailalim ito sa routine maintenance para maiwasan ang pagkasira pa lalo ng kalsada.
Pagtitiyak naman nito na tuloy-tuloy ang kanilang ginagawang monitoring sa mga pampublikong kalsada sa bansa.