Nakatakdang magsagawa ng road maintenance activities ang Department of Public Works and Highways sa ruta ng Black Nazarene Grand Procession o “Traslacion” upang matiyak ang kaligtasan sa kalsada.
Ang maintenance ay isasagawa ayon sa direktiba ni DPWH Secretary Manuel Bonoan na ayusin ang mga depekto at iba pang panganib sa kalsada kasunod ng pinagsamang inspeksyon kasama ang Feast of the Black Nazarene Committee.
Ang mga lubak, gayundin ang mga sanga ng puno at iba pang sagabal sa kalsada sa loob ng road right-of-way, ay nililinis na ngayon ng mga district engineering offices para matiyak ang kaligtasan ng mga deboto.
Dagdag pa niya, maglalagay din ng mga pansamantalang rehas para sa Arlegui Bridge para sa mga deboto ng Nazareno.
Samantala, ilang mga road barrier mula sa DPWH ang ipapahiram para sa crowd control at pag-secure sa ruta ng Traslacion.
Ang taunang “Traslacion” ay ng Itim na Nazareno ay mula sa Quirino Grandstand sa Rizal Park hanggang sa Quiapo Church.
Ito ang unang pagkakataon na gaganapin ang Traslacion mula nang masuspinde ng tatlong magkakasunod na beses dahil sa mga paghihigpit dahil sa COVID-19.