Pinayuhan ng Department of Public Works and Highways ang mga motorista na iwasan ang Yuseco Bridge sa Yuseco street, Maynila na isasara sa trapiko simula Pebrero 8 dahil sa malaking repair.
Sinabi ng Department of Public Works and Highways – North Manila District Engineering Office na sasaklawin ng rehabilitation work ang kabuuang haba ng tulay na 52 metro.
Ang pagsasara ng tulay ay makatitiyak din na ang rehabilitasyon ay hindi mapipigilan, at ang tamang proseso ng rehabilitation ay gagawin sa abutment at slab ng tulay.
Ang pagkukumpuni ay inaasahang matatapos sa loob ng 145 araw.
Sinabi ng DPWH na dapat gamitin ng mga motorista ang Batangas street bilang alternatibong ruta.
Una na rito, pinayuhan ng departamento ang motorista na sumunod sa batas trapiko upang maiwasan din ang anumang aksidente na maaaring mangyari.