Nangako ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng mahigpit na pagsunod sa 45-day public works ban ng Commission on Elections (Comelec).
Kasabay nito ay pinaalalahanan ng DPWH ang mga regional at district office nito na sundin ang naturang panuntunan kasabay na rin ng inaasahang malawakang kampaniya.
Sa ilalim ng 45-day public works ban, ipinagbabawal ang paglabas, disbursement, at paggamit ng mga public fund para sa construction ng mga public infrastructure.
Kasama rin dito ang delivery ng mga building materials.
Una nang inilabas ni DPWH Assistant Secretary for support services Michael Villafranca, ang Memorandum Circular 2 na nagpapa-alala sa lahat ng field office ng public works department ukol sa naturang polisiya.
Ang 45-day public works ban ay magsisimula sa Marso-28, 2025 at magtatagal hanggang Mayo-11, 2025, isang araw matapos ang mismong halalan.