-- Advertisements --
Inihayag ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na mayroong bilang na mahigit 70,000 proyekto ang kanilang ipapatupad ngayong taon.
Ayon kay Department of Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan, ito ay may budget allocation na nagkakahalaga ng P890 billon.
Aniya, kabilang ang mga pangunahin at mga lokal na proyekto sa buong bansa.
Saklaw ng mga proyektong ito ay ang tulay na mag-uugnay sa mga lalawigan ng Cavite at Bataan na maaaring paikliin ang oras ng paglalakbay sa pagitan ng dalawang lalawigan sa dalawang oras lamang.
Dagdag dito, ang mga tulay na nabanggit ay mga cable-stayed bridges.
Giit ni Bonoan na maaaring matapos ang proyekto sa loob ng limang taon.