-- Advertisements --

Minamadali na ng Department of Works and Highways (DPWH) ang pagtatapos ng Binondo-Intramuros Bridge Project.

Ayon kay DPWH Undersecretary for Unified Project Management Office (UPMO) Operations Emil K. Sadain, sa kanyang update kay Secretary Roger G. Mercado, na nagsimula na ang asphalt resurfacing sa mga rampa at main bridge deck dahil kailangang makuha ng contractor na China Road and Bridge Corporation. maraming trabaho ang ginawa hangga’t maaari upang buksan ang bagong Binondo-Intramuros Bridge sa unang bahagi ng Abril.

Ang iconic aniya na disenyo ng two-way four-lane steel box tied-arch bridge ay magiging future landmark sa Maynila, dahilan kung bakit inaasahan itong maging isa sa most photographed bridge sa Metro Manila kapag ito ay nagbukas na.

Ang naturang proyekto ay inaasahan din na makakapagbigay-serbisyo sa 30,000 na mga sasakyan sa pagitan ng dalawang distrito ng Intramuros at Binono.

Samantala, ang karagdagang fix link sa pag-improve ng road transport network capacity and efficiency sa Metro Manila at maibsan ang pagsisikip ng trapiko ay mula sa tulong mula sa People’s Republic of China.