Itinuon ngayon ng Department of Public Works ang Highways (DPWH) ang kanilang atensiyon sa paggawa ng mga modular hospitals dahil sa nagkakapunuan na ang mga pagamutan bunsod ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Sinabi ni DPWH Secretary at Isolation czar Mark Villar na mayroong hanggang 45 araw bago maitayo ang mga modular hospitals na siyang malaking tulong sa mga pagamutan.
Ang mga isolation facilities kasi ng bansa ay mayroong mga basic na kagamitan na hindi sapat para gamutin ang mga mayroong moderate at severe na COVID-19 cases.
Bawat modular facilities kasi ay mayroong negative pressure at oxygen supply ang bawat kuwarto at mayroon pang karagdagang gamit para sa paggamot sa mga COVID-19 na pasyente.
Pinakahuling ginawa nilang modular facilities ay matatagpuan sa Quezon Institute Hospitals na mayroong 110 bed capacit, habang 16 bed capacity naman sa Lung Center Hospital, 22 bed capacity naman ang itinayo sa Dr. Jose Rodriguez Hospital, mayroong 60 beds sa National Kidney Translate Institute sa Quezon City at 2 units na mayroong 44 beds naman sa Batangas City.