-- Advertisements --
image 126

Nakumpleto na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang tatlong bagong evacuation centers sa lugar ng Dingalan Aurora.

Ang bagong tayong evacuation center ay magbibigay ng pansamantalang tirahan sa mga distressed na residente ng typhoon prone areas ng nasabing munisipyo.

Ito ay nagkakahalaga ng P29.5 million at bawat evacuation center ay mayroong dalawang palapag na magagamit na espasyo na maaaring gawing pansamantalang tirahan ng mga maaapektuhan sa oras ng mga kalamidad.

Kaugnay niyan, prayoridad kasi ngayon ng Department of Public Works and Highways ang magtayo ng mga karagdagan pang evacuation centers na makakatulong sa mga biktima na kinakailangang ilikas sa kanilang mga tahanan.

Sa kasalukuyan, naghahanda din ang naturang departamento sa mga posibleng insidente na maidudulot ng mga bagyo at iba pang kalamidad sa ating bansa.