Nananatiling ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang may pinakamaraming reklamong inihain sa Department of Justice (DoJ).
Ayon kay DoJ Spokeperson at Usec. Emmeline Aglipay-Villar, karamihan daw sa mga inireklamo sa DoJ Anti Corruption Task Force ay mula sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Gayunman, hindi naman nito binanggit kung mayroong matataas na opisyal ng pamahalaan ang inireklamo.
Maliban naman sa DPWH, marami rin umanong nagreklamo sa Philhealth at iba pang ahensiya ng pamahalaan.
Ngayong linggo lang nang makaranas ang DoJ anti-corruption task force nang biglaang pagbuhos ng mga reklamo.
Sa ngayon, patuloy na raw na ikino-consolidate ng operations center secretariat ng task force ang mga reklamo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Philippines, hinimok ni Guevarra ang publiko na maghain ng reklamo laban sa mga opisyal ng pamahalaan na sangkot sa katiwalian.