-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Public Works and Highways na natapos na ang isinagawang road rehabilitation project sa Liloy-Siocon road , Sitio Cellepante, Barangay Kauswagan, Baliguian,Zamboanga del Norte.

Ang naturang proyekto ay may kabuuang halaga na aabot sa ₱10 million .

Nagmula ang naturang pondo sa 2024 General Appropriations Act .

Aabot sa 500 kilometrong daan ang isinailalim sa road rehabilitation sa naturang lugar karamihan sa mga ito ay madulas at gumuguhong lupa.

Dahil dito, sinabi ng DPWH na mas ligtas na ngayon ang mga residente lalo na ang mga motorista sa lugar.

Hindi na rin maantala ang paghahatid ng kanilang mga kalakal at mga agri products.