-- Advertisements --
Ibinida ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na natapos na ang flood control project nito sa Baseco Compound, Port Area, Manila na nagkakahalaga ng P96.49 million.
Layunin ng proyekto na protektahan ang mga residente laban sa pag-apaw ng ilog at mga pagbaha.
Batay pa sa DPWH huling natapos ang ika-apat na yugto ng proyekto sa isang slope protection na naglalayong magbigay ng depensa laban sa mga pagbaha at maiwasan ang soil erosion upang mapabuti ang kalidad ng tubig sa lugar.
Maalalang sinimulan ang naturang proyekto noong Mayo nang nakaraang taon na tumagal hanggang Enero 2025.
Habang kasalukuyan ding isinasagawa ang tatlo pang susunod na yugto ng proyekto na popondohan naman sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act.