-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nasa 80% nang handa ang Philippine Arena sa lalawigan ng Bulacan para gamitin bilang quarantine facility para sa mga hinihinalang COVID-19 cases.

Ayon kay DPWH Sec. Mark Villar, magkakaroon na lang ng finishing touches ngayong araw, at bukas ay inaasahang gagawin ang final inspection.

Umaasa naman si Villar na fully operational na ang nasabing napakalaking pasilidad pagsapit ng weekend.

Bilang isang isolation facility, magkakaroon ng 300-bed capacity ang Philippine Arena at magsisilbi namang work force ang mga medical professionals mula sa AFP at PNP.

Maliban sa Philippine Arena, ilan pa sa mga gusaling ginawang quarantine facilities ang World Trade Center at Philippine Intertional Convention Center sa Pasay; Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila; Philsports Arena sa Pasig; at Asean Convention Center in New Clark City sa Tarlac.

Sumatotal, aabot sa 2,386 na mga kama ang nasa loob ng naturang mga pasilidad, kasama na ang 300 sa Philippine Arena.