Iginawad sa Panguil Bay Bridge Project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Grand Prize sa 2024 Excellent Structure Awards ng Korean Institute of Bridge and Structural Engineering (KIBSE).
Ang tumanggap ng naturang parangal ay si DPWH Senior Undersecretary Emil K. Sadain sa 50th anniversary convention ng Korean Society of Civil Engineers (KSCE) sa Jeju Island, South Korea.
Ang Panguil Bay Bridge Project ang “longest sea-crossing bridge” ng Mindanao na tinatayang nasa 3.7-kilometer ang haba na nagdudugtong sa Tangub City, Misamis Occidental hanggang Tubod, Lanao del Norte.
Ang naturang tulay ay kinilala ng institusyon sa pagkakaroon ng makabagong disenyo, matibay na istraktura, at ang ambag nito sa pagsasaayos ng regional transportation at pagsulong ng ekonomiya.
Pinahayag ni Sadain ang papuri niya para sa Unified Project Management Office (UPMO) engineers dahil isa sila mga nasa likod sa ganitong kagandang imprastraktura.