-- Advertisements --

Hindi pa natutukoy ng Department of Public Works and Highways ang pangunahing dahilan ng pagbagsak ng isang bahagi ng Cabagan-Sta. Maria Bridge sa lalawigan ng Isabela.

Ayon sa ahensya, patuloy ang kanilang pagsasagawa ng inspeksyon para matukoy ang stability ng disenyo nito.

Batay sa unang pagsusuri ng ahensya, nadiskubre nito na sa halip na cable strands, ginamitan lamang ang tulay ng solid steel beams bilang suporta.

Una nang sinabi ng kalihim ng DPWH na ito ay maituturing na unique design at First of its kind sa bansa.

Nabatid na isang engineer na nagngangalang Albert Cañete ang nasa likod ng disenyo ng tulay.