Pinaghahanda na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga motorista at commuters sa matinding trapiko na mararanasan dahil sa gagawing pagsasaayos sa ilang bahagi ng EDSA.
Ayon kay DPWH Secretary Manuel Bonoan, na magsisimula sa katapusan ng March ang rehabilitation sa kalsada ng EDSA at aabutin ito ng hanggang ‘Ber’ months.
Ang extensive road repair ay magsisimula sa EDSA Busway northbound lane mula Balintawak hanggang Monumento.
Dagdag pa ng kalihim na magkakaroon ng mas bago at matibay na pavement ang EDSA Busway.
Pansamanatalang gagamitin ng mga EDSA buses ang kabilang linya habang ang natitirang linya ay para sa pribadong sasakyan.
Kanila umanong tatanggalin ang mga concrete barriers at pansamantalang makikigamit sila sa open lanes.
Mayroon namang 15 segments ang aayusin sa EDSA southbound lane at matapos nito ay aayusin din nila ang natitirang lanes hanggang sa outer lanes.
Nakasama rin sa plano ng DPWH ang pagpapalawak ng drainage systems sa kahabaan ng EDSA.