Iniulat ng Department of Public Works and Highways na kanilang pinapalakas ang mga infrastructure project sa bansa.
Ito ay sa pamamagitan ng malakas na bilateral relation ng Pilipinas sa South Korea.
Sa pamamagitan ng pagsuporta sa infrastructure development, mula sa mga kalsada at tulay hanggang sa mga flood control structures, ang Republika ng Korea sa pamamagitan ng Korea Export-Import Bank (KEXIM) ay nag-ambag sa pagbuo ng isang vital infrastructure na nag-uugnay sa mga komunidad, nagpapadali sa kalakalan at nagpapasigla sa aktibidad ng ekonomiya sa buong bansa.
Ang mga matataas na opisyal ng DPWH sa pangunguna ni senior undersecretary Emil Sadain ay nagsagawa ng pulong kasama ang vice-president na si Hong Soon-young ng KEXIM, isang official export credit agency sa South Korea na nagbibigay ng financing para sa ilang infrastructure flagship projects sa Pilipinas.
Nagpahayag ng pasasalamat si Sadain sa suporta ng KEXIM hindi lamang sa kinakailangang kapital sa financing kundi pati na rin sa invaluable expertise, innovation at best practices sa mga hakbangin sa pagpapaunlad ng imprastraktura .
Ito ay inaasahang gagawa ng isang hakbang pasulong sa programang “Build Better More” ng administrasyong Marcos.