Umapela ang Department of Public Works and Highways sa mga billboard operator sa National Capital Region na pansamantala munang tanggalin o i-rolyo pababa ang mga ikinabit na tarpaulin o billboard.
Ito ay bahagi ng pag-iingat ng ahensiya dahil sa malawakang pag-ulan at malalaks na hangin na posibleng tumangay sa mga tarpaulin.
Ayon sa DPWH, maaaring magdulot pa ng aksidente ang mga billboard, lalo na kung tinangay ng hangin o bumagsak dahil sa bagyo.
Una na ring inirekomenda ng Metropolitan Manila Development Authority(MMDA) ang naturang hakbang, bilang pag-iingat sa mga gumagamit sa mga lansangan sa kamaynilaan.
Pinapayuhan din ng DPWH ang mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho at pagbibiyahe habang nagpapatuloy ang buhos ng ulan at malalakas na hanging dulot ng bagyong Enteng.
Una na ring iniulat ng MMDA na ilang mga punongkahoy at poste ng kuryente ang natumba sa mga kalsada mula pa kaninang umaga(Sept2).