Pansamantalang natigil ang proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Quiapo matapos ang pagkasawi ng isang construction workers ng sumabog ang acetylene tank habang ito anag nag-wewelding.
Ayon sa DPWH na hihintayin muna nilang matapos ang imbestigasyon ng PNP bago ituloy ang proyekto.
Base sa imbestigasyon ng PNP, bigla na lamang sumabog ang acetylene tank habang nagwewelding ang biktima sa isang barge.
Tumilapon pa ang biktima at nagtamo ng pinsala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan nito na sanhi ng kaniyang kamatayan.
Habang sugatan naman ang kasamahan nito na itinakbo rin sa pagamutan at ito ay nasa ligtas na ng kalagayan.
Dahil sa pagsabog ay umangat ang steel barge kung saan nakalagay ang back hoe.
Nangako naman ang kumpanya kung saan nagtatrabaho ang biktima na tutulungan ang kaanak nito.